
May bagong tagahanga ang award-winning actor at noontime host na si Paolo Ballesteros na nakilala nang husto sa kaniyang mga make-up transformation.
LOOK: Michael V's super sketch of Wonder Woman Gal Gadot
Last May 2017, ipinamalas ng Eat Bulaga star sa Instagram ang amazing transformation niya bilang si Wonder Woman na ginampanan ng Hollywood actress na si Gal Gadot.
Ngayong Miyerkules, June 14 napansin ni Gal ang kamangha-manghang talent na ito ni Dabarkad Paolo matapos niyang i-tweet ang kanyang reaksiyon sa transformation video.
Wow! This is incredible @pochoy29 ???????? Bravo #WonderWoman pic.twitter.com/i52koeUz8U
— Gal Gadot (@GalGadot) June 14, 2017
Tila kinilig naman si Paolo sa tweet ng international actress at nag-reply ito sa former beauty queen.