What's Hot

WATCH: Marian Rivera, magsisimula nang mag-taping para sa kanyang primetime series

By Cherry Sun
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 23, 2017 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Kabi-kabila ang mga blessings na dumarating kay Marian Rivera. Ano ang reaksiyon ng Kapuso Primetime Queen dito?

Bago matapos ang buwan ay magsisimula na raw mag-taping si Marian Rivera para sa kanyang bagong primetime series.
 
Ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras na may bagong dapat abangan mula sa kanya. Dagdag daw ito sa biyayang tinatamasa niya ngayon bilang isang ina.
 
Ani Marian, “Ano mang meron ako ngayon na nangyayari sa buhay ko, endorsement man ‘yan, kung ano man ‘yan, soap man ‘yan, movie man ‘yan, eh sobrang bonus na para sa akin. Sa lahat ng, alam mo ‘yun, naranasan ko sa buhay ko, may Zia pa.”
 
Abala rin ngayon ang aktres sa Kapuso drama anthology na Tadhana. Masaya siya na sa kanilang recent U.S. trip ay marami siyang nakausap na kababayan nang mag-perform sila roon ni Dingdong Dantes para sa Independence Day celebration.
 
Kuwento ni Marian, “Para makapagbigay-inspirasyon daw sa mga kababayan natin, lalo na ‘yung mga gusto palang magpunta sa ibang bansa, kung ano ‘yung mahaharap nila doon. Nanonood sila ng Tadhana.”
 
“Sila ‘yung superhero eh. Nakita mo ang hirap ng sakripisyo na ginagawa nila. Nakatapos ako ng pag-aaral dahil sa sakripisyo ng mama ko,” dugtong niya.
 
Nitong nakaraang Father’s Day naman, kumain daw ang kanilang pamilya sa labas. Rinegaluhan din daw ni Marian si Dingdong ng isang facial treatment package.
 
“Sabi ko, ‘Ay Dad, parang may pimple ka na. Parang kailangan mo na mag-cleaning.’ So sabi ko, ‘Halika, treat kita.’ Alam mo naman ang mga lalaki, ayaw nila ng mga ganyan,” sambit ni Marian.


Video courtesy of GMA News