
Hindi pinalagpas ng aktres na si Claudine Barretto ang masasakit na salita na binitawan ng isang netizen patungkol sa kaniyang adopted daughter na si Baby Quia.
LOOK: Is this Raymart Santiago's relative who allegedly hurt Santino?
Matapang ang naging pahayag ni Mommy Claudine sa Instagram laban sa netizen na si @enriquez.peggy na tinawag ang anak niya na isang batang lansangan.
Ayon sa isa pang post ng aktres, nag-ugat ang pangba-bash ng naturang netizen ng mag-post siya ng video ni Baby Quia habang tahimik itong kumakain ng lugaw.
Hindi makapaniwala si Claudine sa panglalait na inabot ng bata mula sa basher.
Hinamon din nito ang basher na harapin siya kung ano problema nito sa kaniyang adopted daughter. Makikita rin sa Instagram post ni Claudine na naka-private ang account ni @enriquez.peggy.
#HeartOverHate
Humingi rin ng tulong ang celebrity mom sa kaniyang mga followers na ipagbigay alam sa kaniya kung may impormasyon silang hawak patungkol sa naturang basher.
Binigyang diin niya na hindi dapat palagpasin ang cyberbullying at nangako siya na ire-report sa awtoridad ang ginawang pangbabash ni @enriquez.peggy sa kaniyang anak.
“Let us not tolerate sick people like this Peggy Enriquez.STOP BULLYING KIDS OR ANYONE FOR THAT MATTER.i will look for u & report u sa NBI,Police etc.so if anyone knows this BULLY PLS LET ME KNOW PARA D NA MAULIT ANG PANG BABASH AT PAMBU BULLY NITONG TAONG TO”
Taos-puso rin ang pasasalamat ni Claudine sa lahat ng nagpaabot ng suporta at pagmamahal sa kaniyang baby daughter. Kabilang na rito ang aktres na si Aubrey Miles
Matatandaan na bago siya ikasal ay inampon ni Claudine si Sabina at anak naman niya kay Raymart Santiago si Santino.