
"Charice is gone."
Ito ang diretsahang sinabi ni Jake Zyrus nang makapanayam ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras.
READ: Charice Pempengco is now Jake Zyrus
Dagdag pa niya, "What you're looking at right now is totally [different], and I do feel like a different person now."
Marami ang nagulat sa mga pagbabagong ginawa ni Jake sa kanyang sarili, kabilang na ang kanyang lola at ina.
Umaasa naman ang singer-songwriter na matatanggap ng kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang desisyon. "I'm happy and proud of what my mom said. I know that it wasn't easy for her, but she still managed to really accept everything. So someday, I know that my grandma will come around."
Inamin naman ni Jake na bukod sa pagpapalit ng pangalan, nagpatanggal na rin siya ng dibdib at nagpapa-inject na ng male hormones. Ito ang dahilan ng kanyang pagkakaroon ng bigote at paglalim ng kanyang boses.
"No matter what people say, [I know who I am]. I know that I am a man so I'm going to be."
Naiisip din ba niyang sumailalim sa gender reassignment?
"It's part of the plan, but years from now. I'm not really rushing everything."