
Nag-shoot na ng huling episode si Queen of all Media Kris Aquino ng kanyang web series na The Kris List.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang ilang behind-the-scenes photos mula sa shoot.
Dito, makikitang nagluluto si Kris at ang kanyang anak na si Bimby sa kanilang kusina. Kita din ang kakaibang rose quartz kitchen counter ni Kris.
Pangako naman ni Kris na magbibigay siya ng pasilip ng kanyang bagong kitchen at dining room sa paglabas ng final episode ng kanyang web series.