What's on TV

Season 2 ng 'Alyas Robin Hood,' malapit nang mapanood sa GMA Telebabad

By Michelle Caligan
Published July 7, 2017 5:12 PM PHT
Updated August 9, 2017 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Bukod kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na gaganap sa title role, muli n'yo ring mapapanood ang mga artistang nagbigay buhay sa characters na inyong minahal sa 'Alyas Robin Hood.'

Pagkatapos ng ilang buwan lamang, magbabalik na ang inyong pinakaastig na tagapagtanggol, si Alyas Robin Hood!

 

Bukod kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na gaganap sa title role, muli n'yo ring mapapanood ang mga artistang nagbigay buhay sa characters na inyong minahal. Kabilang dito sina Jaclyn Jose, Andrea Torres, Paolo Contis, Rey PJ Abellana, Gary Estrada, Gio Alvarez, Dave Bornea, Lindsay de Vera at Rob Moya. May mga bagong tauhan din na papasok sa season na ito, tulad nina Solenn Heussaff at Ruru Madrid.

Sa sequel ng top rating primetime series na ito, isa ng ganap na abogado si Pepe (Dingdong) at may mga bagong kaaway siyang makakaharap, dahilan para muli niyang bubuhayin si Alyas Robin Hood. Makikilala rin niya si Iris (Solenn) na posibleng gugulo sa relasyon nila ni Venus (Andrea).

Abangan ang muling pamamayagpag ng inyong paboritong tagapagligtas, malapit na sa GMA Telebabad.