
Hindi naiwasan ni Glaiza de Castro na maging emosyonal nang tanggapin ang Gawad Dr. Pio Valenzuela award, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng lungsod sa mga Valenzuelano.
LOOK: Glaiza De Castro, kinilala sa larangan ng sining-biswal at pantanghalan ng Valenzuela City
Aniya sa panayam ng 24 Oras, “Gusto ko nga po talaga na maging matatag sa emosyon ko pero siguro dahil naalala ko ‘yung mga ginawa ko before at kung paano din ako tinulungan nung mga ibang tao para makamit ko man kung ano man ‘yung meron ako ngayon at kung nasaan ako ngayon.”
Pinaghahanda na raw ng GMA si Glaiza para sa susunod niyang malaking series. Pero bago ‘yun, lilipad muna ang aktres patungong Canada para sa isang show na hatid ng GMA Pinoy TV.
“Magbibigay po ako ng mga ilang songs sa kanila. Tapos, pero din po ako isang show, sa August 21 pala ‘yun sa Toronto, na intimate siya,” bahagi ni Glaiza.
“Pwede kong ibahagi sa kanila ‘yung mga bago ko ring kanta doon sa bago kong album,” patuloy din niya.
Abala rin ngayon si Glaiza sa pagpo-promote ng kanyang bagong album na ‘Magandang Simulain.’