
Nakapukaw nang atensyon ng netizens ang comment ng isang aktres sa selfie ni Kapuso leading man Ken Chan nitong weekend.
Makikita sa Instagram account ng chinito heartthrob ang kilig post ng former Hanggang Makita Kita Muli star na si Kim Rodriguez.
Na-curious naman ang Instagram followers ni Ken Chan kung ano ibig sabihin ng "I Love You" comment ni Kim.
Huling napanood si Ken sa highly-successful na Kapuso Primetime series na Meant To Be kung saan nakapareha niya si Barbie Forteza.
Samantala busy naman si Kim sa kanyang guestings sa mga Kapuso shows kabilang na ang number one at longest-running gag show ng bansa, ang Bubble Gang.