What's Hot

LOOK: Are Kakai Bautista and Ahron Villena having a Twitter war?

By Michelle Caligan
Published July 22, 2017 3:10 PM PHT
Updated July 22, 2017 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpalitan ng makahulugang tweets sina Kakai Bautista at Ahron Villena. Ano kaya ang pinagmulan nito? Alamin.

Mukhang muling nasisira ang kakaayos lamang na pagkakaibigan nina Kakai Bautista at Ahron Villena kung pagbabasehan ang kanilang social media posts. Nag-ugat ito sa isang interview kay Kakai kung saan tinanong siya ng press kung okay na sila ng aktor.

 

#KakaiBautista on rumored ex #AaronVillena. "Alam ko na yun. Accepted ko na naman kung ano man siya."

A post shared by MJ DE LEON for GLITZ.PH (@glitz.ph) on


Ayon sa Dental Diva, "Hindi kami speaking terms, pero nagkita na kami ulit, we had dinner. Okay na kami, hindi na namin pinag-usapan ang past. Basta ang importante, puwede na kaming magtrabaho. Masaya ka, masaya na ako, 'di ba?"

Dagdag pa niya, "Wala siyang pinakilala. Kahit naman hindi niya ipakilala (laughs). Accepted ko naman kung ano man siya."

Dahil sa sinabing iyon ni Kakai, tila hindi napigilan ni Ahron na mag-react at mag-post ng kanyang saloobin sa Twitter.

"[Tanggap] mo kung ano ako? Saan galing ['yun]? Bakit, ano ba ang alam mo sa pagkatao ko? Naging tayo ba? Ako alam ko NEVER naging tayo. Nanahimik ako kasi marunong akong rumespeto ng babae. Pero [siguro naman] ay may karapatan din ako magsalita para maipagtanggol ko [naman] ang sarili ko," saad niya.

May isa namang tweet si Kakai na ayon sa netizens ay parang sagot niya sa post ni Ahron.

Matatandaang napabalita dati na may namumuong relasyon ang dalawa pero pareho nila itong itinanggi.