
Kamakailan ay pinag-usapan ng netizens ang interaction nina Ken Chan at Kim Rodriguez nang mag-comment ang aktres sa selfie ni Ken ng katagang "I love you" na may kasama pang kiss emoji. Dahil dito, marami ang nagtatanong kung may namamagitan kina Ken at Kim.
READ: Netizens react to Kim Rodriguez's "I Love You" comment on Ken Chan's IG post
Matatandaan na naging ka-love team ni Ken si Barbie Forteza sa kakatapos lamang na Meant To Be kaya't nang nakapanayam si Barbie ng press, tinanong siya kung ano ang kaniyang palagay sa issue na ito.
Aniya, "Mga ano kami, mga homegrown tweens. So minsan natatawa na lang ako pag mayroong kunwari lumalabas na issue ng nagkakamabutihan 'eh lahat kami barkada. Parang magsama lang sa isang lugar, nali-link na kaagad. Lahat naman kami magkakaibigan so kaunting pagsasama lang nabibigyan agad ng malisya."
Ano naman kaya ang masasabi ni Barbie para kina Ken at Kim?
"Normal 'yon, pero kung sakali man na totoong mayroong something sweet na namamagitan sa kanila, I'm very happy for them."