
Sa muling pagkukrus ng landas nina Kris Aquino at Lolit Solis, hindi naiwasan ng dating talk show host at talent manager na intrigahin ang Queen of All Media.
Nagkita sina Kris at Lolit nang sila ay dumalo sa kasal nina Alfred Vargas at Yasmine Espiritu. Sa naturang event ay ini-link ni Lolit si Kris kay Mayor Herbert Bautista at kay Jomar, ang anak ng businessman na si Ramon Ang.
#VargasNaPagibig: The Alfred Vargas and Yasmine Espiritu wedding
“In fairness ha ang ganda ni Kris Aquino sa kasal ha, handang-handa sa pagkikita nila ni Mayor Herbert Bautista na huling-huli ko ang palihim na tinginan nila, promise. At suwerte ko na na-meet ko si Jomar Ang, ang poging anak ni Papa Ramon Ang at sa kapilyahan ko talagang made na-match ko silang dalawa ni Kris,” kuwento ni Lolit.
Hiniritan rin daw niya ang aktres tungkol sa plano nitong pumasok sa pulitika.
Ani Lolit, “Andun si Vice Mayor Joy Belmonte. Sabi ko, ‘Kris, I Heard you’re running for mayor. My mayor in QC is Joy Belmonte, I am telling you now,’ sabi ko.”
Dagdag din niya sa hiwalay na post, “Natawa ako kay Kris nang sabihin niyang gawa kami ng talk show kung saan daw lagi nag-aaway dahil gustong-gusto ko naman siyang inaaway. Hah hah hah. Ayoko yata ng idea, ‘di araw-araw siya cry at araw-araw ako awayin ng fans niya. Ayoko nga, match ko nalang siya kay Jomar Ang at araw-araw ko siya hingan ng datung, mas mabuti pang idea ‘yun.”
Pinabulaanan naman ni Kris ang mga pahayag ni Lolit.
Pagkomento niya, “Politics in 2019 isn’t part of my plans – I’m building my food and digital empire. I really do want to work with you on TV or radio, payag akong magpa-api sa’yo but the difference is I won’t cry anymore. I’ve learned to give as good as I get. And I didn’t look at the QC Mayor, neither did he attempt to say hello to me – it is best this way.”
“Please spare Jomar – malaki utang na loob ko kay boss RSA. I can afford to give you allowance everyday. In fact you can manage me for TV, hala maloloka si birthday boy ALV,” patuloy niya.