What's Hot

Donita Rose after separation from estranged husband: "Nakapag-move on na"

By Maine Aquino
Published July 25, 2017 2:23 PM PHT
Updated July 25, 2017 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Donita Rose on moving on from failed relationship with ex-husband Eric Villarama: "It changed me. Now I'm able to think straight again. I can laugh at life and enjoy everything."
 

A post shared by realdonitarose (@realdonitarose) on

 

Nagbigay ng update si Donita Rose sa harap ng ilang miyembro ng press tungkol sa estado ng kanyang relasyon sa estranged husband na si Eric Villarama. Ang kanyang pag-amin ay ginanap sa kanyang press conference para sa isang capsule cooking show na pinamagatang HeartMate Kitchen na mapapanood soon sa GMA Network.

Kuwento ni Donita, "I'm actually divorced. Na-finalize siya nung December of last year. Nalaman ko kasi Filipino citizen rin ako, kailangan palang mag-annulment pa rin ako so that's gonna take... I'm only going to start now sa annulment process."

Sa pagpapatuloy ni Donita ay kanyang inilahad kung bakit siya dadaan sa mas mahabang proseso. "I was married in the US. Pero hindi pa kasi ako Filipino citizen noong ikinasal kami. Then nung naghiwalay na kami, akala ko divorce will be enough because sa US kami ikinasal. Then nalaman ko kapag Filipino citizen ka, you have to also get an annulment."

Inilahad naman ni Donita na siya ay naka-move on na sa kanilang paghihiwalay na nangyari three and a half years ago. Aniya, "I think medyo fully healed na, nakapag-move on na. One of the reasons why I know na nakapag-move on na ako is because 'yung son ko he went to visit his dad for three months."

"Noong una parang ayaw ko kasi parang ang sama-sama ng loob ko, but I realized na meron pala akong mga hang-ups pa rin sa nangyari. I had to get over it," dagdag ng Kapuso host/ actress.

Ang pag-move on na ito ay nagpabago umano sa kanyang buhay.

"It changed me. Now I'm able to think straight again. I can laugh at life and enjoy everything."

Bukod sa pagiging happy ay mas naramdaman niyang mas okay na ang estado ng kanyang puso. Saad ni Donita, "Yes, completely healed na. Alam n'yo barista rin ako. Nag-aral ako ng coffee, 'yung pagiging barista. And so every day when I do my latte art, gumagawa ako ng heart. Dati, wasak ang puso ko, ngayon buong buo na siya."