
Isang malungkot na balita ang bumungad sa mundo ng showbiz ngayong Martes, August 1 nang kumalat ang balita ng pagkamatay ng batikang talent manager at columnist na si Tito Alfie Lorenzo.
READ: Talent manager Alfie Lorenzo passes away
Sa Instagram post ng dati niyang alaga na si Judy Ann Santos, humingi ng dasal ang misis ni Dabarkad Ryan Agoncillo para sa pinakamamahal niyang manager.
Bumuhos naman ang pakikiramay at suporta ng showbiz friends ni Juday sa malungkot na yugto na ito ng kaniyang buhay.