What's Hot

WATCH: Alden Richards pinabulaanan ang tsismis na may anak na siya

By Aedrianne Acar
Published August 3, 2017 12:02 PM PHT
Updated August 3, 2017 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News



Deretsahang sinagot ni Alden ang isyu patungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa pagkabinata.

Diretsahang sinagot ni Pambansang Bae Alden Richards ang kumakalat na tsismis na may anak na siya sa pagkabinata.

Walang patumpik-tumpik na nagbigay ng statement ang Kapuso actor sa malisyosong tsismis na kumakalat online.

Sagot niya sa panayam ni Aubrey Carampel sa Chika Minute, “Clear of my conscience wala po akong anak.”

Video courtesy of GMA News

Hindi naman napigilan ng ama ni Alden na si Richard Faulkerson, Sr. or mas kilala na Daddy Bae sa Twitter na sagutin ang isa pang isyu na ibinabato sa Kapuso star na anak nito diumano ang nakababata niyang kapatid na si Angel.

Ayon sa tweet ni Daddy Bae, handa siyang sumailalim sa isang DNA test para mapatunayan na anak niya si Angel.

 

 

Todo rin ang pagtatanggol ng mga fans ni Alden mula sa mga naninira sa kaniya. Ang iba ay nagpayo pa na kasuhan ng Faulkerson family ang mga nagkakalat ng maling impormasyon na ito.