
Ilang beses na ring naibahagi ni Queen of All Media Kris Aquino ang tungkol sa kanyang health problems tulad ng migraine at hypertension.
Noong nakaraang taon, pumunta siya ng Amerika para magpatingin sa mga espesyalista doon.
Sa video na ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account, ipinasilip niya ang isang bahagi ng kanyang migraine treatment na kailangan niyang gawin quarterly.
Makikitang ilang injections ang itinurok sa kanyang likod, balikat at maging sa kanyang noo.
Dahil kailangan niyang magpahinga pagkatapos ng mga treatments, hindi na muna siya magpaparamdam sa kanyang mga social media sites.
Sa halip, ang kanyang team muna ang magpo-post at magma-manage ng kanyang YouTube channel, Facebook at Instagram accounts.