
Isang cute na sorpresa ang natanggap ni Kapuso leading lady Sanya Lopez sa advanced birthday celebration niya kasama ang ilang mga fans.
Dumalo rin kasi sa party ang kanyang Haplos leading man at ka-love team na si Rocco Nacino. Handog nito ang isang teacup poodle puppy bilang surprise birthday gift para sa kanya!
Makakasama ng bagong poodle puppy ang alagang aso ni Sanya na si Angel, pati na si Jmi na alaga naman ng kapatid ni Sanya na si Jak Roberto.
August 9 ipagdiriwang ni Sanya ang kanyang ika-21 na kaarawan.
Samantala, patuloy na panoorin sina Sanya at Rocco sa Haplos, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Impostora sa GMA Afternoon Prime.