What's Hot

Alden Richards on his showbiz controversies: "Hindi ko na po ramdam"

By Aedrianne Acar
Published August 10, 2017 10:00 AM PHT
Updated August 10, 2017 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

15-anyos nga dalagita, napalgang patay | One Mindanao
Ombudsman, nagsampa ng kasong malversation at graft laban kay Bong Revilla at 6 na iba pa
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang ibig sabihin ng Pambansang Bae sa sagot niyang ito?  

Wala nang panahon ang Pambansang Bae Alden Richards para sagutin o problemahin ang mga kontrobersya na pinupukol sa kaniya.

Sa panayam ng Kapuso actor sa charity event ng ini-endorso niyang glutathione capsule brand na SnowCaps kahapon, August 9, nagbigay ito ng saloobin niya patungkol sa mga kinakaharap niyang issue.

Matatandaan na sinagot kamakailan ng AlDub actor ang isyu na may anak na siya sa ibang babae na pinasungalingan nito sa 24 Oras.

Ani Alden, “Hindi ko na po ramdam eh. Kasi parang I have so much on my hands right now, wala na po akong time intindihin ‘yung mga on the side issues.”

WATCH: Alden Richards pinabulaanan ang tsismis na may anak na siya

Mas mahalaga din daw para sa Kapuso star na alam ng mga tao na nakapaligid sa kaniya kung ano ang totoo.

Paliwanag niya, “Hindi ko na rin po [papansinin] ‘yun, kasi alam naman po ng mga tao sa paligid ko kung ano ‘yung totoo and kumbaga, minsan may mga issues na napapabayaan na gawa-gawa lang and then later on, pinapaniwalaan siya ng publiko. So it’s really based on the people’s discernment na lang kung saan sila maniniwala.”

READ: Alden Richards pinayuhan si Maine Mendoza kaugnay sa negosyo