
Sa isang Metro Manila Film Festival movie ngayong taon mapapanood ang reunion ng dating Okay Ka Fairy Ko! co-stars na sina Vic Sotto at Dawn Zulueta.
Matatandaang si Dawn ang isa sa mga aktres na gumanap bilang si Faye, ang enkatadang asawa ng tagalupang si Enteng Kabisote.
Kahapon, ibinahagi ni Dawn sa kanyang Instagram account na nagkaroon na ng unang meeting para sa untitled film project na pagbibidahan nila ni Bossing Vic.
"First "meeting of the minds" with my producers, director, and leading man for our #MMFF2017 film entry," sulat ng aktres sa caption ng kanyang post.
Ito ang unang beses na magkakatrabaho sina Dawn at Vic simula nang matapos ang Okay Ka Fairy Ko! noong 1997.