What's Hot

Netizens, pinuri si Andrea Torres sa pagsagot nito sa mga isyung kinasasangkutan niya

By Michelle Caligan
Published August 11, 2017 3:20 PM PHT
Updated August 11, 2017 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line, amihan to bring cloudy skies, rains over parts of Luzon
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News



Andrea is one class act!

 

 

Samo't saring intriga ang ipinupukol kay Kapuso leading lady Andrea Torres ngayon, at binabaha rin ng negative comments mula sa bashers ang kanyang social media accounts. Pero hindi raw ito nakakaapekto sa positibong disposisyon ng dalaga, at dinadaan na lamang niya sa dasal ang lahat.

READ: Andrea Torres, hindi tatalikuran ang role na Venus kahit iniintriga

"Pray talaga. Kasi kapag pinatulan mo pa, lalaki pa. So siyempre, gusto mong hanapin 'yung best possible thing na gawin to deal with it, which is wala kang sasaktang ibang tao," kuwento niya sa entertainment press sa ginanap na press conference ng Alyas Robin Hood.

Dagdag pa ng aktres, "Andun ako sa point in my life na very positive lahat. I feel so blessed, andaming magagandang nangyayari. So hindi fair kay Lord na dapat kong pagtuunan ng pansin 'yung mga ganung bagay, mas gusto ko na lang na i-count ang blessings ko."

Ginagawa na lamang daw niyang positibo ang mga negatibong karanasan.

"Habang tumatagal, masasanay ka na rin. Totoo naman ang sinasabi nila na masasanay ka na may nakikita kang negative tungkol sa 'yo, maa-accept mo na hindi naman lahat ng tao gusto ka. It's part of the business and kung titingnan mo siya in a positive way, okay din kasi kumbaga balanse lahat. Nakaka-humble din 'yung ganun."

Hinangaan naman ng netizens ang mga sagot ni Andrea. Sa comments section ng entertainment blog na FashionPulis.com, mababasa ang papuri sa aktres.