
Naging tulay ang Eat Bulaga sa magandang showbiz career ni Rochelle Pangilinan dahil dito siya nagsimula bilang isang Sexbomb Girls dancer. Kaya naman sa araw ng kanyang kasal, hindi pinalagpas ng Dabarkads na matunghayan ang masayang araw ng Kapuso star.
WATCH: Arthur Solinap and Rochelle Pangilinan's on site wedding film
Base sa post ni Rochelle, nag-taping daw ang Eat Bulaga upang may maipalabas noong August 8 at makadalo ang Dabarkads sa kanyang kasal kay Arthur Solinap. Sa nasabing social media post, kalakip ng mga larawan ng bagong kasal ang mensahe ng pasasalamat ni Rochelle para sa kanyang Eat Bulaga family.
"Maraming-maraming salamat sa aking Eat Bulaga family sa pag-attend ng aking kasal. Sa inyo ako nag simula kaya naman malaking bagay sa akin ang pagpunta n'yong lahat. Ramdam ko ang importansya ko sa inyo dahil talagang nag-taping pa kayo para lang masiguradong kasama ko kayo sa pinakaimportanteng araw ng buhay ko. Muli, maraming salamat Dabarkads," saad ni Rochelle.
LOOK: Must-see wedding photos of Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap