
Pagkatapos tumakbo ng walong buwan dito sa Pilipinas, mapapanood ngayon ang dating hit Afternoon Prime drama na Sa Piling Ni Nanay sa Malaysia. Umeere ito sa TV3 na may pamagat na Ysabel.
READ: Final episode ng 'Sa Piling Ni Nanay,' nanguna sa trending topics ng Twitter
Ang lead star nitong si Yasmien Kurdi, nagpasalamat sa mga tumatangkilik sa naturang teleserye.
"To all my Malaysian fans, thank you for watching my show "Ysabel" (SPN) everyday on TV3. Thank you for the sweet messages. Salamat po! Mahal ko kayo," aniya sa kanyang Instagram post.
Natuwa naman ang kanyang Malaysian fans at pinuri si Yasmien sa galing nito sa pag-arte.