
Pinasalamatan ng Kapamilya actresss na si Angelica Panganiban sina Kapuso Primetime King at Queen, Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanyang survival backpack na maaari niyang magamit sa oras ng kailanganin niya ito.
"Nagkataon lang din na may mabubuting tao pa sa mundo, kaya salamat Marian Rivera, Dingdong Dantes [at] YesPinoy [Foundation sa] backpack na ito, hindi na mawawala sa tabi ko. Mabuhay ang pamilya ninyo [at] mas marami pa sana kayong matulungan,” saad ni Angelica sa kanyang post.