
Bilang suporta sa proyekto ng Yes Pinoy Foundation, nag-post ngayong araw ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ng larawan kung saan suot niya ang Go Bag, isang emergency kit na gawa ng mga Typhoon Yolanda survivors upang makatulong sa disaster preparedness sa mga bata sa mga vulenrable areas sa Pilipinas.
Ayon kay Marian: "Hindi kailangan ng super powers para makatulong sa iba. Kailangan lamang ng tamang impormasyon, puso at pagpapahalaga sa kapwa. Help us build a super nation and send these YPF Go Bags to children in disaster-prone schools and communities. These hooded backpacks with emergency kits are also available for individual buyers."
Ito rin ang bag na ibinigay niya at ng asawang si Dingdong Dantes sa kaibigan nilang si Kapamilya actress Angelica Panganiban.
LOOK: Angelica Panganiban thanks DongYan for her survival backpack, Marian Rivera responds
Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang @yespinoy at ang @iamsuperph o magpadala ng email sa @yespinoy.org upang tumulong sa #IAmSuper.
Samantala, narito ang ilan pang impormasyon tungkol sa Go Bag.