
Maraming nagtatanong sa makahulugan at nakakakilig na Instagram post ng Kapuso primetime actress na si Barbie Forteza na ngayon ay nasa Amerika para magbakasyon.
Palaisapan sa mga netizens ang isinulat ni Barbie sa pinalipad niyang sky lantern sa Indiana.
Kita sa latern ang mga salitang, “Monay at Pandesal sana magtagal."
READ: Check out Barbie Forteza's summer vacation in the U.S.
Sunod-sunod namang nag-react ang mga celebrity friends ni Barbie patungkol sa kaniyang post.
Marami ring netizens ang naniniwala na ang tinutukoy ng Kapuso star sa kaniyang social media post ay ang kaniyang blooming na love life.