What's Hot

LOOK: Dingdong Dantes, ipinamalantsa si Marian Rivera sa Paris; Lolit Solis pinuri ang mag-asawa

By Rowena Alcaraz
Published September 3, 2017 12:59 PM PHT
Updated September 3, 2017 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala’s 2026 results before Indian Wells and Miami Open
Transient vendors seek space at Iloilo market
F1 star Charles Leclerc ties the knot with Alexandra Saint Mleux

Article Inside Page


Showbiz News



#Husbandgoals talaga si Kapuso Primetime King!

Kasalukuyang nasa Paris ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang kanilang anak na si Zia para sa kasal ng celebrity doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho.

Habang nasa Paris ang pamilya Dantes, muling ipinamalas ni Dingdong ang kaniyang pagiging #husbandgoals sa pamamagitan ng pamamalantsa ng damit ni Marian.

 

Hindi ito ang unang beses nagpakita ng kanyang domesticated side si Dingdong, matatandaan na una nang naiulat na naghuhugas din ito ng pinggan para kay Marian.

Dingdong Dantes, naghuhugas ng pinggan para kay Marian Rivera

Samantala, puring-puri naman ng kilalang kolumnista ang talent manager na si Lolit Solis ang mag-asawa sa kanilang pagiging hands on sa anak na si Zia.

Aniya, "You will see na talagang they enjoy being parents to Zia. Dala-dala ni Dong ang baby bag at nag-breastfeed si Marian dun mismo sa River Seine Cruise habang ang karamihan sa mga bisita nina Hayden at Vicki ay abala sa pagsasaya hah. Talagang bravo papa Dong at mama Yan. Lucky Zia." 

 

One thing na notice ni Rubby Coyuito kina Marian at Dingdong Dantes ay iyong pagiging hands on nila sa pag-aalaga kay Zia. You will see how na talagang they enjoy sila being parent to Zia. Dala-dala ni Dong ang baby bag at nag-breastfeed si Marian dun mismo sa River Seine Cruise habang ang karamihan sa mga bisita nina Hayden at Vicki ay abala sa pagsasaya hah. Talagang bravo papa Dong at mama Yan. Lucky Zia. @dongdantes @marianrivera #70naako #lolitkulit #instatalk

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Nakasama ni Manay Lolit sina Dingdong at Marian sa welcome dinner ng newlweds na sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho.