Showbiz News

WATCH: Kris Bernal, ipinasilip ang loob ng kanyang sasakyan

By Bea Rodriguez

Maraming gamit na bigay ang fans si Impostora star Kris Bernal at nasa loob ito ng kanyang sasakyan. Kahit saan man magpunta ang aktres ay kumpleto ang kanyang dala para sa tapings at biglaang lakad.

Pause muna si Kris sa taping ng hit GMA Afternoon Prime soap para ipasilip sa atin ang kanyang mga dala kung saan-saan.

Ano kaya ang mga kagamitan na bigay sa kanya ng kanyang mga fans? Ano naman ang quick must-haves ni Kris bago bumaba ng sasakyan? Ano naman kaya ang kanyang ginagawa kapag siya ay pasahero paminsan-minsan?

Panoorin ang video ng Unang Hirit: