
Umani ng maraming negative attention si Gerald Sibayan simula nang isapubliko ni Philippine Comedy Queen Aiai delas Alas ang kanilang relasyon.
Lalo pa itong tumindi nang ianunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement.
Dahil sa pagtindi ng online harassment na natatanggap ng kanyang fiance, minabuti na ni Aiai na kumunsulta sa isang abogado.
"Nagtanong ako sa lawyer ko dahil ang aking magiging asawa ay pribadong tao. Nagkataon lang na si Gerald Sibayan ay naging kasintahan ko at mapapangasawa sa darating na disyembre. Bilang kanyang magiging maybahay ay karapatan kong ipagtanggol sya," sulat niya kaakibat ng screenshots ng palitan nila ng mga mensahe ng kanyang abogado.
"Sa mga taong walang magawa kundi mag-internet na ginagamit sa kasamaan ang kanilang daliri at isip, para sa inyo ito," pagpapatuloy niya.
December nakatakdang ikasal sina Gerald at Aiai.