What's Hot

AlDub telemovie na 'Love Is...,' trending sa buong mundo

By Marah Ruiz
Published October 21, 2017 3:58 PM PHT
Updated October 21, 2017 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News



Basahin rin ang naging reaction ng mga netizens sa telemovie.   

Umani rin ng papuri para kina Alden at Maine at sa mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino ang telemovie na ito.

Maganda ang naging pagtanggap sa highly-anticipated telemovie nina Alden Richards at Maine Mendoza na pinamagataing 'Love Is...'

Nag-trend ang official hashtag nitong #ALDUBxEBLoveIs sa microblogging site na Twitter— ito ang number one trending topic sa Pilipinas at number two naman sa buong mundo. 

 

Umikot ang kuwento sa depression na naranasan ni Vivienne, ang karakter ni Maine at kung paano siya inunawa ng mga taong nakapaligid sa kanya tulad ng kanyang mga magulang at ni Marco, karakter ni Alden. 

Umani naman ng papuri ang mag-asawa at kapwa mga aktor na sina Nonie at Shamaine Buencamino na gumanap bilang Tatay Roman at Nanay Aurora, mga magulang ni Vivienne. 

Humanga ang mga netizens sa tapang ng dalawa na tumanggap ng ganitong proyekto tungkol sa mental health matapos ang suicide ng kanilang anak na si Julia noong 2015. 

Ang 'Love Is...' ay ang unang telemovie nina Alden at Maine. Ang award-winning filmaker na si Adolf Alix Jr. ang nagsibling director nito.