What's Hot

Abangan si Jennylyn Mercado bilang modern Magdalena sa 'Stories for the Soul'

Published November 24, 2017 9:54 AM PHT
Updated November 24, 2017 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Ang episode na 'Santa Makasalanan' ay pangungunahan ni Jennylyn Mercado bilang Lena sa 'Stories for the Soul' ngayong Linggo.

Magdalena. Sa tuwing nababanggit ang pangalan ito, isa lang ang lagi nating naiisip.  Isang bayarang bababaing hinusgahan ng kamatayan dahil sa pakikiapid.

Karaniwan na nga sa atin ang pagiging judgemental. Pero gaya ng nasasaad sa John 8:7, ang maaari lang humusga sa kanyang kapwa ay iyong taong walang bahid dumi.

Bibigyang buhay natin ang kuwento ni Magdalena sa pamamagitan ni Lena, isang estudyanteng dahil sa kahirapan ay napilitang ikalakal ang sarili.  Kung paano siya maliligtas mula sa panghuhusga ng mundo.

Sa kabila ng kanyang karumihan, hindi siya basta sumuko sa mga pagsubok, isinakripisyo  niya ang sarili upang maiahon  sa kahirapan ang kanyang  pamilya.

Ang 'Santa Makasalanan' ay pinangungunahan nina Elizabeth Oropesa bilang Viring, nanay ni Lena, Julio Diaz bilang ama ni Lena na si Henry, Jacob Briz bilang Popoy nakababatang kapatid ni Lena at Jennylyn Mercado bilang Lena.

Mapapanood ang Stories for the Soul sa Linggo, November 26 at 11:35 pm sa Sunday Grande sa gabi pagkatapos ng Bossing & Ai.