What's Hot

WATCH: Megan Young, Maine Mendoza, at Solenn Heussaff, ilan lang sa mga gustong makasama ni Jason Abalos

By Marah Ruiz
Published November 25, 2017 2:13 PM PHT
Updated November 25, 2017 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News



Sino sa kanila ang gusto niyang makasabay papunta sa location na ang byahe ay walong oras?   

Sa isang game para sa programang Tonight With Arnold Clavio, ibinahagi ng aktor na si Jason Abalos ang mga Kapuso ladies na gusto niyang makasama iba't ibang sitwasyon. 

Sa isang mahabang biyahe, nais daw niyang makasama si Dubsmash Queen Maine Mendoza.

"Ito, mukhang hindi ka maiinip sa biyahe kapag ito ang kasama mo. Si Maine," pahayag niya.

Si Solenn Heussaff naman daw ang nais niyang makasama sa gym. 

"At sana isama niya 'yung asawa niya, si Nico. Fan na fan ako nung mag-asawang 'to. Stalker ako ng Instagram accounts nila," bahagi niya.

Kung sakaling sasabak naman daw siya sa reality show, si Miss World 2013 Megan Young ang gusto niyang makasama. 

"[Pinili ko siya] since parehas kaming galing sa reality show," paliwanag niya. 

Alamin ang iba pang Kapuso ladies na pinili ni Jason sa game na ito: