
Bukod sa pagiging isang mahusay na director, isang magaling na actor din si Ricky Davao.
Muling kinilala ang talento niya sa pag-arte sa katatapos lang na 2017 FAMAS Awards.
Nasungkit kasi ni Ricky ang Best Supporting Actor Award para sa kanyang pagganap sa pelikulang Iadya Mo Kami.
Bukod kay Ricky, natanggap din nina Phenomenal Star Maine Mendoza at Kapuso cutie Ivan Dorschner ang German Moreno Youth Achievement Award. Pinarangalan din si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ng FPJ Memorial Award.
Ang FAMAS Awards ay taunang parangal kung saan kinikilala ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences ang mga makabuluhang kontribusyon sa pelikulang Filipino.