
Tampok na naman si Kapuso actress Aicelle Santos sa panibagong musical ngayong taon.
Gaganap siya sa musical adaptation ng pelikula ni Ishmael Bernal na Himala na itatanghal sa Pebrero
Nasungkit ni Aicelle ang lead role bilang si Elsa, ang karakter na ginampanan ng beteranang aktres na si Nora Aunor sa pelikula.
Noong nakaraang taon, gumanap din si Aicelle bilang Perla sa musical na Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag.
Pinarangalan din siya bilang Best Actress in a Featured Role sa Aliw Awards 2017 para sa kanyang pagganap.