
Hindi makapaniwala ang dating aktres at maybahay ni Chito Miranda na si Neri Naig matapos siyang i-follow ni Megastar Sharon Cuneta sa Instagram.
Ayon sa Instagram post ni Neri, nakakagaulat pa rin daw na i-follow siya nito kahit na kamag-anak ni Chito si Senator Kiko Pangilinan.
Pa-praktisin na raw niya ang mga kanta ng kanyang 'Tita Shawie' dahil baka mapasabak siya sa videoke.
"Pina follow ako ni Megastar!!!!! Kilala niya ako! Hahaha! Tao na ako! Wahahaha!
Kamag anak ni Chito si Tito Kiko Pangilinan, pinsan ni Daddy Ponchit si Tito Kiko. Pero syempre nakakagulat na kilala ako ni Tita Shawie! Naaaaaks! Maka Tita Shawie naman ako, hahaha!
'Yun nga lang na nakikipag usap sa akin si Tito Kiko, iniisip ko lagi kung ano ang isasagot ko kase kapag may sinasabi siya parang gusto ko na lang sabihin na, "Opo, tama po lahat ng sinasabi nyo." Hahaha! Kase syempre senator siya di ba? Hahahaaaay!
Kaya wag na kayong magtataka next time kapag lagi kong ka-selfie si KC ha? BFF ko na siya di nya lang alam, wahahahah!
Magpapraktis na nga ako ng mga kanta ni Tita Shawie, hehe! Baka mapalaban ako sa videoke, hehe!"