What's Hot

Julie Anne San Jose to fans: "Hindi ninyo ako tinalikuran, maraming salamat"

By Maine Aquino
Published January 28, 2018 10:12 AM PHT
Updated January 28, 2018 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



Naguumapaw sa pasasalamat si Julie Anne San Jose sa kanyang mga fans na dumalo sa kanyang concert na #Julie nitong January 27 sa Music Museum.

Naguumapaw sa pasasalamat si Julie Anne San Jose sa kanyang mga fans na dumalo sa kanyang concert na #Julie nitong January 27 sa Music Museum.

Ipinarating niya ang kanyang mensahe sa mga dumalo ng kanyang full house concert. Aniya, "Gusto ko pong pasalamatan lahat ng nagpunta ngayon dito sa Music Museum. I'm giving you the warmest hugs and sweetest kisses."

Ayon kay Julie ay naa-appreciate niya ang pagmamahal ng kanyang mga supporters lalo na't natagalan bago siya muli nag-perform ng solo.

 

To all my supporters, thank you for being part of my journey, forever grateful for you. Marami na tayong napagdaan at mapagdadaanan pa, basta magkakasama tayo. Salamat sa inspirasyon. ?? Truly an amazing night, I love you all! #Julie

A post shared by Jules San Jose (@myjaps) on

 

"Thank you, thank you, guys. I know it's been a while since last na nag-solo concert ako. This is also my way of saying thanks sa inyong pagmamahal at walang sawang pagsuporta. Thank you for sticking with since day one."

May maikling mensahe si Julie para sa kanyang mga fans na patuloy siyang sinasamahan sa pag-grow ng kanyang career. Saad niya, "Sa lahat po ng nandito pa rin hanggang ngayon sa tabi ko, sa likod ko, thank you so much ang dami na nating pinagdaanan. Gusto ko magpasalamat sa inyo kasi nandiyan kayo lagi for me and hindi ninyo ako iniwan. Hindi ninyo ako tinalikuran, maraming salamat."