
Ipinasilip na ang kaabang-abang na pagganap ni Martin del Rosario ngayong 2018.
Pagkatapos nating mapanood ang kuwento ni Trisha (Paolo Ballesteros) sa 'Die Beautiful,' si Barbs naman ang bibida sa Born Beautiful. Ngayong 2018, si Martin ang maghahatid sa atin ng kuwento ng buhay ni Barbs na dating ginampanan ni Christian Bables.
Panoorin ang trailer ng 'Born Beautiful:'
Mapapanood rin si Martin ngayong 2018 sa GMA Afternoon Prime na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.