What's Hot

WATCH: Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, nahirapan nga ba sa kanilang fast food TVC?

By Jansen Ramos
Published February 9, 2018 3:19 PM PHT
Updated February 9, 2018 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Mismo ang 'Ika-6 Na Utos' star na si Gabby Concepcion ang nagkuwento ng mga kaganapan sa shoot nila ni Megastar Sharon Cuneta.

Matapos maipalabas ang reunion project nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, nagsilabasan kaagad sa social media ang behind-the-scenes photos and videos ng kanilang TVC shoot.

Kinuhanan ito sa isang branch ng McDonald's sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa video na ipinost ni Gabby, tila hindi sila makasimula sa pag-shoot ng commercial dahil hindi magkamayaw ang kanilang fans sa pagkuha ng litrato sa kanila.

 

Video before a take. Hindi Kami maka umpisa. lol @reallysharoncuneta @itskcconcepcion #goodvibes #loveinit #mcdonalds

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby) on


Saad niya, "Video before a take. Hindi kami maka-umpisa. Lol"

Nagkagulo man ang kanilang mga fans, masaya at positibo pa rin sina Sharon at Gabby dahil mainit pa rin ang pagtanggap sa kanilang tambalan.