What's Hot

JUST IN: Alden Richards, first time mag-donate ng dugo sa Kapuso Bloodletting Day

By Bea Rodriguez
Published February 9, 2018 7:00 PM PHT
Updated February 9, 2018 7:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 30, 2025
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Achievement daw para sa Pambansang Bae ang unang beses niyang mag-donate ng dugo. May mensahe rin siya para sa mga Kapusong gustong tumulong through blood donation. 
 

This bae has a big heart! @aldenrichards02 also donated blood at the Kapuso Bloodletting Day. If you also want to donate, Kapuso Foundation will be at Ever Gotesco Commonwealth tomorrow, Feb. 10.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on

 

Nagbahagi ng pagmamahal si Pambansang Bae Alden Richards sa pamamagitan ng pag-donate ng dugo sa Philippine Red Cross sa Kapuso Bloodletting Day ng GMA.

“Achievement ito. First time ko mag-donate ng dugo,” kwento ng Kapuso star sa panayam ng GMANetwork.com kanina.

Matagal na palang gusto ng aktor na mag-donate ngunit hindi raw siya pinayagan dati kaya achievement unlocked daw iyon para sa kanya.

“At last! Na-achieve ko na ang gusto kong mangyari. Sana marami ang ma-inspire to do this as well. It’s saving lives,” saad ng Philippine Red Cross ambassador na nagiging halimbawa upang hikayatin ang ating mga Kapuso na suportahan ang event.

 

@aldenrichards02 pays a visit to the Kapuso Bloodletting Day at GMA Network Center. The actor lead the symbolic turning over of blood donations to Philippine Red Cross.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on

 

Malaki raw ang maidudulot nito sa ating mga kababayan, “You just give out 450 ml of your blood and then you can help a lot of people, especially ‘yung mga kapos-palad na nao-ospital. You can help in such a way na magiging malaki ‘yung impact niyo sa mga nangangailangan, especially ang may sakit.”

Kahit marami nang napapasaya ang Pambansang Bae sa pamamagitan ng kanyang talento, hindi nilimita ni Alden kung paano pa niya maibabahagi ang kanyang sarili. Aniya, “This is also sharing in a different way. Ako, mahilig naman ako mag-share talaga ng maraming bagay pero ito, iba ‘yung a part of you, you share to other people.”

Sinigurado rin ng Kapuso star na hindi ito ang huling beses na magdo-donate siya ng dugo, “After this, every three months. Maybe I’ll religiously donate my blood every time kasi universal donor ako, and I’m O positive so pwede siya sa lahat ng blood types.”