
Tuwing nagpo-post sa kanyang Instagram account si Lolit Solis ay lagi niyang binabanggit ang pangalang Salve. Kaya naman, marami ang nagtatak at nagtatanong kung sino nga ba ang kinakausap ng beteranong manager at talk show host.
Paglinaw ni Lolit, “Si Salve ho ay hindi imaginary, tunay siyang tao, entertainment editor siya ng tabloid newspaper na PSN (Pilipino Star Ngayon) at PM (Pang Masa), travel buddy ko siya at anak-anakan.”
Sambit din niya, masipag daw si Salve at tinutulungan siya nito sa kanyang social media accounts.
Aniya, “At talaga binabantayan niya mga posting ko. Siya din dahilan kaya meron akong Instagram. Kaya po tigilan n’yo na ako sa katatanong kung sino si Salve, tao ho siya, babae siya, totoong Salve pangalan niya, Salve Asis po. Pag may nakita kayo naka-outfit sa Port Area si Salve ho iyon kasi duon office ng Star Group.”