What's on TV

Mark Herras, gusto maging kontrabida para sa 'The Cure'

By Bianca Geli
Published February 26, 2018 1:16 PM PHT
Updated March 23, 2018 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI chair on Marcos’ push for creation of IPC: ‘Good news’
SK Federation Nagtinguha nga Makamugna og Database sa Youth Network of Volunteers | Balitang Bisdak
Sweet Couple, naadik sa paggawa ng ONLINE CONTENT | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit gusto ni Mark Herras na maging kontrabida sa upcoming GMA show na 'The Cure?' Alamin!
 

A post shared by AngeloSantos (@angelosantosherras) on


Unang nakilala bilang “Bad Boy of the Dance Floor” ang StarStruck graduate na si Mark Herras, pero matapos subukan ang iba’t ibang role ng actor, gusto niya naman daw subukan maging bad boy o kontrabida sa isang soap.

Jennylyn Mercado may pasilip sa taping ng 'The Cure'

Aniya, “Sa 'The Cure' dapat nilang abangan na kung before nakikita nila ‘yung karakter ko na parang mabait, ngayon ni-request ko talaga na bad role naman ‘yung ibigay sa akin, which na-grant naman po.”

Gusto raw ni Mark na makita sa 'The Cure' ang unang pagganap niya bilang medyo bad boy. “Kasi dati laging mabait ‘yung role ko ‘eh, kung baga, laging mayaman or mahirap. Ngayon, para may makita namang bago ‘yung mga tao, na iba. Minsan kasi may mga nagko-comment na, ‘Ayan na naman ‘yung role ni Mark.’ Feeling siguro nila minsan hindi ka magaling umarte kasi same character na ginagawa mo for every soap.”

Habang inaabangan ng marami ang magiging role ni Mark sa The Cure, may pasilip naman siya sa pagiging kontrabida niya sa Contessa, aniya, “Isa ako sa magiging rason kung bakit magkakaroon ng paghihiganti si Glaiza sa Contessa.

Jak sa akting ni Glaiza sa Contessa: "Sobrang husay"