
Isang dating figure skater, gymnast at folk dancer si Kapuso actress Ina Feleo.
Dahil dito, likas sa kanya na panatilihing fit ang kanyang katawan.
Sa ngayon, madalas sa bahay lang ginagawa ni Ina ang kanyang workout.
Dahil malapit na ang summer, ibinahagi niya ang kanyang fitness routine para ma-achieve ang beach-ready body.
Mga ehersisyong tuma-target sa kanyang abs at butt. Kabilang na dito ang mountain climbers, jack knives at donkey kicks.
Panoorin kung paano gawin ni Ina ang kanyang workout sa feature na ito ng Pinoy MD: