What's Hot

EXCLUSIVE: Aicelle Santos handa na mag-Miss Saigon kahit engaged kay Mark Zambrano

By Bianca Geli
Published March 9, 2018 6:00 PM PHT
Updated March 9, 2018 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang nararamdaman ni Aicelle Santos na maiiwan niya ang fiance na si Mark Zambrano upang gumanap na Gigi van Tranh sa Miss Saigon UK. Alamin!
 

In God's perfect time, our dreams were fulfilled last night. Finally, our first step to forever! I can't wait to spend the rest of my life with you, my Fiance!???????? Mahal na mahal na mahal po kita @markzambrano.?? #AiMarked #amazinggrace

A post shared by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

 

Matapos ang kaniyang engagement last March 7, handa na lumipad papuntang London ang Kapuso singer na si Aicelle Santos para sa pag-ganap niya sa Miss Saigon.

Suportado ng Kapuso news reporter na si Mark Zambrano  ang fiancé sa pag-iibang bansa nito para sa role na Gigi van Tranh sa Miss Saigon. Ano naman kaya ang nararamdaman ni Aicelle ngayong magkakalayo muna sila ng fiancé habang nasa London siya ng ilang buwan?

Aniya, “Short time lang naman ‘yun eh, mabilis lang, and it’s something that I need to do, something na I need to experience.”

Halo halo rin ang nararamdaman na emosyon ngayon ni Aicelle bago siya umalis on March 22. “Happy, excited, at the same time mami-miss ‘yung pamilya, and him. But it will be okay.”

Hindi daw niya inasahan na magpu-propose na si Mark sa kaniya kahit napag-uusapan na nila ang kasal. “Nagulat ako, it was supposed to be an event, tapos biglang proposal na pala. Nagulat and very happy.

Dagdag niya, “Because we’ve talked about it, ‘yung settling down. Lagi naman na ‘yun napag-uusapan. Hindi pa lang namin alam when.

Wala pa man silang exact date sa kasal, hihintayin daw ni Aicelle at Mark na matapos ang kanyang Miss Saigon stint bago ang kasalan. “Next year, pag balik ko na lang.”