
Hot topic pa rin sa mga netizens ang controversial pre-wedding photos ng Kapamilya couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.
LOOK: Regine Velasquez-Alcasid, may nakakatawang post tungkol kay Billy Crawford
Kuha ang mga larawan ng dalawa sa African country na Ethiopia, pero may mga netizens ang hindi nagustuhan ang ilang larawan nila dahil "culturally-inappropriate" daw ang mga ito.
Nag-trending din ang mga OOTDs nila sa pre-nup shoot, dahil ang ilang telang ginamit sa shoot ay may pagkakahalintulad sa ilang mga bagay tulad na lang ng pillowcase, bag o sofa set.
Nag-react naman ang 2016 FHM Sexiest Woman in the Philippines na si Jessy Mendiola sa mga pre-wedding photos ng soon-to-be Mr. and Mrs. Crawford sa Instagram.
Ipinagtanggol niya ang dalawa at sinabing bakit pinapalaki pa ang isyu.