What's Hot

WATCH: Jak Roberto, inawit ang "Pinakamagandang Lalaki" ni Janno Gibbs

By Marah Ruiz
Published March 13, 2018 4:37 PM PHT
Updated March 13, 2018 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang performance ni Jak Roberto sa 'Spotlight Music Sessions.'

Nagdala ng kilig si Kapuso hunk Jak Roberto sa online music show na Spotlight Music Sessions.

Pinili kasi niyang i-perform ang awit ni Janno Gibbs na "Pinakamagandang Lalaki."

"Nakausap ko nga si Kuya Janno about that. Sabi ko noong naging guest namin siya sa Meant To Be, 'Kuya Janno, alam mo ba kinakanta ko 'yung "Pinakamagandang Lalaki" mo.' [Sabi niya], 'Talaga? Gusto mo ba bigyan kita ng original na parang minus one? Meron ako niyan,'" kuwento ni Jak sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Kaya nga lang, hindi daw niya nakuha ito dahil nahiya na siyang kulitin ang singer. 

"Hindi ko napaalala eh, pero hinihingi ko. Sabi ko, 'Sige, Kuya Janno madalas kong kantahin sa mall show 'yan.' Natutuwa naman siya," dagdag niya.

Malaking karangalan daw para sa kanya kung sakaling makita ni Janno ang kanyang performance.

"Oo, sana [makita niya], pero huwag sana akong mapahiya. Siyempre, alam naman natin si Kuya Janno talagang great singer 'yan eh. Ginawa ko naman ang best ko," aniya. 

Panoorin ang fulle performance ni Jak at ni Kian Dionisio sa gitara dito: