What's Hot

WATCH: Miguel Tanfelix, nirerespeto ang hiling ng lola ni Bianca Umali bilang manliligaw

By Bea Rodriguez
Published March 19, 2018 6:57 PM PHT
Updated March 19, 2018 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DA creates watchdog for FMR monitoring
Alleged Dawlah Islamiyah leader, bomb expert killed in military ops
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News



Pormal na humingi ng permiso si Kapuso leading man Miguel Tanfelix sa lola ni Bianca Umali kung puwede niya nang ligawan ang kanyang love team partner.

 

 

Pormal na humingi ng permiso si Kapuso leading man Miguel Tanfelix sa lola ni Bianca Umali kung puwede niya nang ligawan ang kanyang love team partner.

“Hinay-hinay lang tayo. Darating din iyan. Huwag kang mainip. Sa tamang panahon,” ang tugon ni Lola Vicky sa masugid na manliligaw ng kanyang magandang apo.

Maintain lang daw muna nina Bianca at Miguel ang kanilang special friendship, ayon sa payo ng lola ng dalaga.

Hindi naman nawalan ng pag-asa ang aktor, “Nirerespeto ko ‘yung desisyon ng Mama niya dahil alam kong pinoprotektahan niya si Bianca.”

Sa loob ng pitong araw, naghanda ng mga epesyal na regalo si Miguel para sa debutante. Ang kanyang ika-pito na regalo ay ibinigay niya sa gabi ng debut ng dalaga.

An all-expense-paid trip to Japan ang iniregalo ni Miguel kay Bianca dahil pangarap daw ng aktres na makarating sa the Land of the Rising Sun.

Ubod ng pasasalamat ang young actress sa kanyang #SimplyBianca celebration, “I’m very happy and very thankful na ‘yung mga totoong tao talagang nagmamahal sa akin [ay] nandito.”