
It's official! Devon Seron is now a certified Kapuso after signing her GMA Artist Center contract yesterday (March 21).
Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, inamin ng dating Pinoy Big Brother contestant na masaya siya sa big career move na ginawa niya.
Ayon kay Devon, "Super excited ako kasi matagal na rin akong 'di lumalabas sa TV and I'm super happy na makakatrabaho ko 'yung iba kong mga kaibagan before na Kapuso na rin ngayon. Mixed emotions siya."
Ano naman kaya ang naging reaksyon ng mga fans ni Devon nang pumutok ang balitang magiging Kapuso na ito?
"'Nung nakita nila ako sa 'The One That Got Away' (TOTGA), nabigla ako na nag-trending ako ng ilang days. Siguro pati sila, nagulat and happy sila. Puro positive feedback ang nababasa ko sa social media. I think na-e-excite rin sila kung ano man 'yung in store sa'kin sa Kapuso network," pagkuwento niya.
Sa huli ay nag-iwan ng mensahe si Devon para sa kaniyang fans na walang sawa ang suporta para sa kanilang idolo, "I wanna say thank you and grateful ako sa suporta at pagmamahal nila sa'kin. For eight years, andyan sila para sa'kin and hanggang ngayon, sinusuportahan pa rin nila ako. Thank you so much and sana pakaabangan nila ang mga shows ko na darating."