
Napa-reminisce si Lolit Solis tungkol sa Startalk at mga dati niyang katrabaho rito.
Aniya, “More than the money, what you will miss most is the friendship na nabuo pag wala na ang mga dati mong ginagawa Salve.”
Dagdag pa niya, sa mga panahong ganito raw ay naalala niya ang kanyang dating programa. Nagiging aligaga raw kasi sila at ng mga staff dahil ang pagsapit ng Mahal na Araw ang pinakamahabang bakasyon nila.
Patuloy ni Lolit, “Hay, the friendship na nabuo nun 20 years na iyon, mga bagets pa staff, nagka-asawa, nagka-anak. Feeling family, talagang looking forward every Monday na may meeting, looking forward for Saturday.”
Kuwento rin niya na kapag may extra income siya ay nagpapa-raffle siya para sa susunod na biyahe ng kanyang mga katrabaho.
Sambit niya, “Those were the days na ang saya namin, at pag may extra income ako, raffle kami para sa next biyahe. Saan ka nakakita ng staff na nag cruise sa Asia, nagpunta Europe, nag-Amerika, at nagpunta ng Batanes at Cebu. Pasyal-pasyal, kaya naman up to now, pag nagkikita-kita, ang saya-saya.”
“Miss you guys, hayaan nyo, pag may extra na naman ako raffle uli tayo, at go go go,” pagtatapos ni Lolit.