What's Hot

LOOK: Xian Gaza, may natanggap na indecent proposal

By Cherry Sun
Published April 19, 2018 8:09 PM PHT
Updated April 19, 2018 8:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil sa kinakaharap na problemang pinansyal at reklamo ng estafa at panloloko, nakatanggap ng isang indecent proposal si Xian Gaza mula sa isang babae na nag-alok sa kanya ng P10K.

Nahaharap ngayon sa maraming utang ang nag-viral na businessman at alleged scammer na si Xian Gaza. Kaya naman, palaisipan kung kakapit ba siya sa patalim ngayong siya ay nangangailangan. 

Noong nakaraang linggo ay sumuko sa awtoridad si Xian kasunod ng ilang warrants of arrest dahil sa kanyang panloloko sa investors at pagtalbog ng kanyang ibinayad na cheke.

Agad-agad naman siyang nakalaya dahil may nagbayad ng kanyang piyansa. Gayunpaman, nanatiling baon siya sa utang. 

Dahil hindi ito lingid sa kaalaman ng publiko, hindi na rin nakakagulat kung makatanggap si Xian ng indecent proposal para sa kanyang financial needs.

Sa katunayan, ibinahagi niya na isang ginang ang nag-alok sa kanya ng PHP 10,000.00.

Basahin ang kanilang naging usapan dito: