
Maraming netizen ang natutuwa na nanatili pa rin ang maayos na relasyon ng ex couple na sina Sebastian Castro at former Kapamilya news reporter na si Ryan Chua.
#ArayNaman: 39 Celebrity breakups na dinamdam ng mga Pinoy
Matatandaan na umamin ang actor/ social media sensation sa Instagram noong October 5, 2017 na tinapos na nila ni Ryan ang kanilang four-year relationship.
Makikita naman sa Instagram post ni Sebastian na ‘tila mayroon nang bagong nagpapatibok ng kaniyang puso.
Silipin ang comment ni Ryan Chua sa social media post na ito ng kaniyang ex-boyfriend.
Marami ding spekulasyon ang naglalabasan sa Internet kung sino ang taong tinutukoy ni Sebastian Castro na nagpapakilig sa kaniya ngayon.
Isa sa mga pangalan na lumulutang ay ang Eat Bulaga star at award-winning actor na si Paolo Ballesteros.
Pero wala pang opisyal na pahayag ang dalawa na patungkol sa estado ng kanilang lovelife.