
Ginanap ang unang gabi ng Manila leg ng '24K Magic World Tour' ni international pop star Bruno Mars kahapon, May 3 sa SM Mall of Asia Arena.
Ilang celebrities naman ang nakisaya sa much-awaited concert ng Grammy-award winning singer-songwriter.
Family affair ang concert para kina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kasama ang kanilang kambal na sina Mavy at Cassy.
Magkasama naman ang mag-amang Ogie at Leila Alcasid sa concert. Nakasalubong pa nila ang komedyanteng si Vice Ganda!
Ang lapit ni Pauline Mendoza sa stage!
Inspirasyon naman daw para kay Jeric Gonzales si Bruno Mars.
Na-enjoy din ni Kristoffer Martin ang kanyang experience.
Magkasama naman ang recently reunited mother and son na sina Jackie Forster at Kobe Paras sa concert.
Isa rin si Barbie Forteza sa mga napatili sa paglabas ni Bruno Mars sa stage.
May 4 naman gaganapin ang pangalawang gabi ng kanyang Manila concert.