What's Hot

EXCLUSIVE: Paolo Ballesteros, nakaka-relate sa 'My 2 Mommies?'

By Cherry Sun
Published May 7, 2018 11:38 AM PHT
Updated May 7, 2018 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Major EU states condemn Trump tariff threats, consider retaliation
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Isang gay guy na hindi inaasahang magkakaanak ang karakter ni Paolo sa pelikulang, 'My 2 Mommies.' Nakaka-relate nga ba rito ang dabarkad?

 

 

Simula Miyerkules, May 9, ay mapapanood na ang Mother’s Day offering ng Regal Films na My 2 Mommies. Iikot ang kuwento sa karakter ni Manu, isang gay guy na gagampananan ni Paolo Ballesteros na hindi inaasahang magkaanak kay Monique, ang karakter ni Solenn Heussaff. Nakaka-relate nga ba rito ang dabarkad?

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, inamin ni Paolo na nakaka-identify siya sa kanyang character at kuwento ng pelikula.

Sambit niya, “When I say na parang nakaka-relate ako doon sa film, it doesn’t mean na that’s exactly my story. But I say it because ‘yung character is very relatable, not just me, not just with Manu’s character. May mga babae rin na nagkaroon ng anak na di alam, na hindi sinasadya, ganyan. I guess the whole film itself, that’s why I think magugustuhan ng mga manonood, is very relatable. Hindi siya talagang kathang-isip lang kumbaga.”

Masaya rin si Paolo na maganda ang hatid na mensahe ng My 2 Mommies tungkol sa modern-day families.

Aniya, “Especially this is going to be shown on Mother’s Day, na pwede kang maging mother na hindi ka naman babae. Pwede kang maging mother kasi you’re a parent, you’re a good parent to your kid.”

Dagdag din niya, suportado siya ng kanyang anak sa kanyang pinakabagong pelikula.

“Yes, of course. Every movie that I make, as long as pwede siya, oo, gusto niyang panoorin lahat. My daughter is very supportive of whatever I do, whatever projects I do. I’m sure she will enjoy it,” wika ni Paolo.